Pa-blow ka?

Bati tayo ah?
Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket
Simpleng blogger na nagsusulat ayon lamang sa mga nararanasan, nararamdaman, natutuklasan at nauunawaan.
Ako po si Letlet. At bahala ka na sa iba.


1/69 »

Kunwari gusto ko sya. Tapos alam kong gusto nya ko. Well, alam din naman nyang gusto ko sya. Pero hindi kami, kasi complicated yung sitwasyon. May mga times na namimiss ko sya tapos gusto kong sabihin sa kanya na namimiss ko sya. Gusto ko syang itext or tawagan kaso wala eh, nauunahan ako ng hiya. Hiya ba ‘to or takot or kaba or anything? Siguro takot lang akong mareject. Kasi unang una babae ako, hindi ako ang dapat gumagawa ng first move. Siguro ayaw ko lang madisappoint. Kasi kung nangyari man na na-dial ko na number nya at biglang nagring tapos after tatlong ring di pa rin nya sinasagot, ibababa ko na. Kung anu-ano na papasok sa isip ko nyan. Na baka busy sya, nakakahiya nang-istorbo pa ko. Or ayaw nyang sagutin kasi ayaw nya kong makausap. Mga ganun. Malawak kasi utak ko pag dating sa mga ganun. Ang mahirap pa nito, yung iniisip ko laging negative kaya laging nasa utak ko ako yung talo. Ako yung masama. Kasi sa isip ko, ako yung mababa kasi hindi ako makatiis. Speaking of that “tiis tiis” factor, magaling ako dyan. Marami ng ganyang challenge akong naranasan. Pero pag ang pride ko bumaba, lagot na. Tuloy tuloy na yan. Tapos ayun nga, pag natalo ako sa pagbaba ng pride ko na yun, lahat ng negative na maiisip ko magsisilabasan. Hanggang sa darating na dyan yung sisisihin ko na sarili ko. Tapos ako na masama. Wala, ipapamuka ko sa sarili kong ang baduy ko, pa-easy to get, mga ganyan. Kaya ako ayun, magmumukmok sa isang tabi. Para na nga akong baliw eh. Inaaway ko sarili ko sa isip ko. Eh kasi feeling ko sa huli lahat ng ginawa ko hindi tama. Naunahan ng kerengkeng.




Gusto ko lang magtype sandali. Practice ko lang typing skills ko kung pwede sa mga encoding. Tsaka ngayon ko na lang ulit or ngayon na lang ulit ako makakapagblog na gamit PC ko. Namimiss ko lang. Alam mo kasi nag-aapply ako bilang secratary assistant. Technically, mga ganung trabaho. Dami ko kayang pinasahan ng resume. Kaso via online kaya naghihintay lang ako ng tawag. Probably sa monday magsisitawag na yang mga yan kasi start na ulit ng trabaho nila. Okay, ang nonsense.

Wala na kasi akong trabaho, alam mo ba. Magtatatlong linggo na kong tengga at walang pera. Kaya di na rin ako nakakapanood ng sine. Ngayon ang dami kong oras para manood ng sine, pero wala namang pera. Nung nagtatrabaho ako, may pera ako pero walang time para makapanood. Pag naiisip ko noon pag-out ko sa trabaho na “Manood muna kaya ako ng sine?” lagi lang nasusundan ng “Papahinga na lang muna ko. Bukas na lang.” Tapos the next ganun na naman. Paulit ulit hanggang sa magpull out na yung gusto kong panoorin sa cinemas tapos aasa na lang ako sa Torrent. Tapos ida-download ko nga, hindi pa rin papanoorin kasi imbes na buksan ko ‘tong PC ko, natutulog na din ako agad pag galing trabaho. Kaya ang awesome ng buhay. Kasi hindi nauubusan ng challenges. Time managing kumbaga. Balance lang lahat. Ang talino ng nag-isip ng life span nating mga tao, hindi pwedenf hindi tayo mahirapan sa pagdecide kung ano dapat yung gagawin. Kasi kailangan mo munang pag-isipan mabuti. Kasi kung biglaan, malaki ang chance na ikaw ang talo. Teka, saan na papunta ‘tong mga pinagsasabi ko?

Wala lang. Makapagtype lang talaga.




Una, sorry. Feeling ko di tayo okay. Ewan ko na kung anong nangyari. Pero kung anoman yun, malamang ako may kasalan. Kitid kasi ng utak ko eh. Dami kong alam. Di ko muna iniisip kung ano yung sinasabi ko. Yan tuloy, nakasakit siguro ako ng damdamin. Pasensya ka na sa ugali kong utak penguin. May mga times na pati kaya ako naiinis sa sarili ko. Hindi ko lang magawang hindi pansinin sarili ko kasi mahirap naman yun diba? Kaya tinitiis ko na lang. Pero seriously, kung ano man meron gap sa atin, sana mawala na. Kasi hindi na nga tayo nagkikita, hindi mo pa ko nirereplayan sa text. Kaya ako nakakapagdrama ng ganito kasi alam mong miss kita. At special day mo ngayon kaya pansinin mo na ko :)

Syempre pangalawa, sobrang thank you. Walang makikilalang blogger kung hindi dahil sayo. Alam mo, useless ‘tong pagiging friendly ko kung wala ka eh. Nagamit ko sya dahil sayo. Ang dami kong nakikilalang awesome blogger, syempre kasama ka na dun. Kaya salamat. Yung mga masasayang meetup, di ko din mararanasan yun kung hindi dahil sayo. Ikaw yung dahilan kung bakit dumami kaibigan ko sa Tumblr eh. Ang sarap at ang saya sa feeling na pag pupunta ako ng meetup, may mga kakilala na ko. Hindi tulad dati na mukha kong tanga na nanonood lang sa pag-uusap at kasiyahan nila. Ngayon, may nakakausap na ko, nakakakwentuhan, nakakatawanan, etc. Kung tutuusin, pwede kong sabihin na ikaw Tumble Bestfriend ko. Kahit hindi ganun yung tingin mo sakin. Kasi ikaw dahilan kung bakit naging masaya ako sa Tumblr kahit na inactive at hiatus ako. Kaya sobrang thank you.

And last, sana mag-enjoy ka sa special day mo. Wala man handa or konting celebration lang, nandito naman kaming mga kaibigan mo para mas maging special yung araw mo. Gamit yung mga ganitong messages na magpapataba ng puso mo. Stay healthy. At kung ano mang problema meron ka, magiging okay din yan. Wala namang problema na hindi nasosolusyunan diba? Kung walang solusyon, wag mo na lang problemahin. So, laging magsmile para di tumanda agad. Kulang man ‘tong message ko (feeling ko kasi madami pa kong gustong sabihin), sana naipahayag yung gusto ko talagang iparating sayo.

Jon, Happy Birthday :*




Salamat at ang puso ko ay binisita mo mahal.




Meron akong nami-miss na isang tao pero hindi ko maintindihan kung bakit? Kasi hindi naman dapat. Nakakapraning. Wag naman sana. Ayoko muna please :( Di pa ko ready.




Umay na umay na ko sa side pic kong GIF. Kaso lagi kong naiisip na nung ginawa ko ‘to, eto yung mga time na ang active ko pa dito. Tipong dami kong nakakausap sa TA. Like lang ng like kahit hindi like. Kahit walang kwenta yung nangyari, ikekwento pa rin. Mga ganun. Pag nakikita ko ‘tong pangungulangot ko kuno, naalala ko lahat. Nagtataka din ako, ba’t bigla akong naging inactive. Samantalang may trabaho din naman ako dati pero nagagawa ko pang mag-aksaya ng oras para mag set ng queued. Eh ngayon, nganga. Nakakatamad kasi sa totoo lang. Ge.




Wag naman yung manliligaw ka ng marami para kung mabasted ka nung isa, meron ka pang reserba. Wag ganun.




Nakakaloko na ‘tong sakit ng ulo ko. Ikaw ba naman magdamag sa labas tapos yung panahon daig pa nung babaeng nireregla na paiba-iba yung ugali. Mainit tapos biglang umambon, sabay umulan, tapos uminit ulit. Nakakabobo lang diba? Kaya kahit uminom na ko ng Biogesic nandito pa rin eh. Ayaw akong lubayan. Nakakapraning. Nood na lang ako movie. Hindi talaga ako talaban mg antok peste. Ge.




Pagbaba ko ng jeep pauwi, ang dami kong narealize. Gabi na ang init pa din. Pinagpapawisan ako. Naisip ko, dahil ba talaga ‘to sa tropical na kondisyon ng bansa natin? Pero bakit ganun? Tag-ulan na. Hindi pa rin ba nagsasawa ang summer at pati gabi sinasakop na nya?

Ang daming jeep, tricycle, at kung anu-anong mga sasakyan. May Andoks, tapos tabi tabi yung mga nagtitinda ng barbeque, may mga nagyoyosi. Tangina, puro usok. Eto na nga siguro ang dahilan ng pagkainit ng gabi, yung polusyon. Hindi mo manamnam yung simoy ng hangin sa gabi dahil sa mga polusyon. Ang dami nang sasakyan sa pilipinas, napansin mo? May pa coding coding pang nalalaman eh yung mga mayayaman naman dyan doble doble ang kotse. Wala din. Drive pa rin. Yung singaw ng paligid, nakakaloko na eh. Ang init!

Kelan kaya matatapos yung kapolusyunan? Baka naman daig pa ng polusyon yung relasyon nyo ng jowa mo? Forever na pala.




Tangina nung cashier sa Cinema ng MOA kanina. Nung manonood kami ni Yue ng Walk of Shame, sabi ba naman samin ni Ate, “Ilang taon na kayo?”

Medyo OA si Ate. Pang R-16 yung movie so kahit magmukha man kaming bata, hindi naman siguro aabot ng 15 anyos yung pag-aakala nya sa edad namin. Ang hirap makamove on sa scene na yun. Nkklk. Pero yung movie, maganda sya. Baka Elizabeth Banks yun? Hihihi. Ge.




Gising pa din ako hanggang ngayon kasi binabantayan namin yung pagla-labor ni Kira. Simula kaninang umaga pa lang hanggang ngayon nagse-search ako sa google kung ano mga do’s and don’t sa pagla-labor ng isang aso. Ang dami ko na din pinanood sa YouTube na pagla-labor ng iba’t ibang breed ng aso. At ang awesome ano po? Pero ngayon, naaawa ako kay Kira kasi hindi nya pa mailabas yung babies nya. Nahihirapan sya. Hindi ko nga alam kung may idea ba syang mangangak na pala sya ngayong araw kasi first labor nya po ito. Feeling ko akala nya natatae lang sya. Nabasa ko na pwedeng umabot ng hanggang 12hours ang pagla-labor nila. So baka hanggang umaga kaming gising neto. Eh magkikita pa naman kami ni Yue mamaya. So bahala nang puyat at ngarag diba? Para kay Kira naman ‘tong gagawin kong pagpupuyat at sa mga babies nya. So bahala na talaga. Ge.







Kumakain ako ng M&Ms dito sa higaan ko habang nanonood ng Meteor Garden Season 2 sa Dramot. Eh hindi ko alam na may nalaglag atang isang piraso nung M&Ms kasi nilapag ko lang dito sa kama eh. Ampuga naloka ako may nginunguya na si Kira. Tsanggala tinanggal ko agad sa bunganga nya eh. Kaso huli na lahat, nalunok na yung iba. Durog na sa bunganga nya eh. Pinagpipitik ko agad yung tenga eh. Katakawan nung buntis na yun. Pati yung hindi pwede sa kanya kinakain nya. Eto ang highlights; Nagsearch agad ako sa google kung anong dapata gawin sa mga dogs na nakakain ng chocolate. Narelieved naman ako nung nabasa kong safe pa rin yung makakain ang isang aso ng kahit 1-2bites. Pero kahit na. Naisip ko pa rin agad kasi na buntis sya. Gaano kaya kaepekto sa mga anak nya yun? Yung pagkain ng chocolate. Ge, OA ko na. Isang pirasong M&Ms lang naman.




Hindi ako makatulog. Ano bang pwedeng masabi? Or maikwento? Hmm. Sobrang inactive ko na ‘no? Wala eh, tamad lang talaga. Wala rin namang magandang nangyayari sa buhay ko. Paulit ulit lang. Kung meron man, tinatamad naman akong ikwento. Naalala ko noon, pag may mga kakaibang nangyayari o masayang bagay akong nararanasan, isusulat ko agad dito. Excited pa nga eh. Ngayon di ko na nararamdam yung pagiging excited na magshare ng kwento pag may mga nakakatuwang pangyayari sa buhay ko. Or malungkot, etc. Siguro mararanasan nyo din ‘tong nararamdaman ko sa takdang panahon. Sa ngayon nasisiyahan pa kayong magshare ng kung anu-ano pero dadating yung time na magsasawa at tatamarin din kayo sa huli. Hahaha. Dejowk. Hindi lang talaga ko inaantok kaya itutuloy ko na lang panonood ko kela Dao Ming Si. Matatapos ko na Season 2 eh. Ge, bye.




Magreresign ba ko sa trabaho ko para mag-aral ng 4years o mag-i-stay ako sa trabahong yun na para kaming katulong kung tratuhin.

Gulong gulo yung isip ko. Dumating na sa point ng buhay ko yung kailangan kong magdesisyon ng matindi. Na yung desisyon na pipiliin ko, nakasalalay sa kinabukasan ko. Nagtatalo yung isip at puso ko eh. Masaya naman ako sa trabaho ko pero parang hindi ko na nagugustuhan yung pakikitungo ng mga matataas saming mga mabababa. Hindi ko malaman kung Junior Stylist ba talaga tingin nila samin o katulong o muchacha. Alin kaya dyan? Kasi ang sakit para sakin na may pinag-aralan naman ako pero yung trato nila iba, hindi ko gusto. Although, part talaga ng trabaho ng Junior Stylist ang maglinis ng salon. Pero that’s the point. Siguro hindi ko lang talaga matanggap na hanggang ganun na lang ba kaya kong trabahuhin? Wala na bang iba? Yung hindi ako magmumukang janitor? Alam mo yun? Nakakababa ng dignidad eh. Samantalang pinag-aral naman ako. Yung skills na kaya ako yung nag-uutos, hindi yung ako yung inuutusan. Kung tutuusin, kayang kaya ko mga ginagawa ng ASM eh. Nagkataon lang na Junior Stylist yung na-apply-an ko.

Gusto kong mag-aral ng 4years course para may pinanghahawakan akong Degree o titulo na nakatapos at may pinag-aralan ako. Gusto ko yung magtatrabaho ako ng nakaupo at utak ang ginagamit. Gusto kong trabaho yung kumikita ako ng malaki para nakakapag-ipon ako para sa future na mangyayari sa buhay ko. Sa salon kasi, kumikita kami ng minsan malaki, minsan maliit. Whether whether kumbaga. Tsaka sawa na ko sa mga tanong na “Magkano sweldo nyo?” at yung walang katapusan kong sagot na “Below minimum lang.” Gusto ko rin kumita ng malaki habang ganitong bata pa ko at pwede ko pang masalba yung buhay ko sa hinaharap.

Magtatatlong taon nako sa trabahong yun. Siguradong maraming manghihinayang sakin kung aalis ako. Sa company kasi na yun, tyaga tyaga sa umpisa. Kung magpupursigi ka, may chance na maging Senior Stylist ka. Eh ang kaso, hindi ko naman pinangarap maging Senior, so ano pang pagpupursigihan ko? Pag Senior Stylist, malaki ang kinikita. Pero nakakastress din minsan kung mabibigyan ka ng Client complain. Tsaka may kota kota. Masaya yung trabaho ko sa totoo lang. Madalas yung time na nag-eenjoy ako lalo kung blower lang ako ng blower sa Client. Pag maganda yung kinakalabasan nung ginawa ko at na-satistied ang Client, ang sarap sa pakiramdam. Pero kumbaga sa ibang gamot, may mga side effect din ang pagiging Junior Stylist. Yun ay ang maging katulong slash utusan slash muchacha slash alipin slash alagad slash assistant ng Senior Stylist. Lahat yan sa Junior nakapatang. So yung mga time na habang pinaglilinis nila ko ng mga dumi nila, napapaisip ako lagi na bakit ganitong trabaho yung pinasok ko? Eh samantalang kaya ko namang maghanap ng trabahong ako yung mang-uutos, hindi yung ako yung inuutusan.

Kung magde-decide akong mag-aral na lang, maraming mga consequences and dapat kong panindigan. Sabi nila, mahirap daw talaga yung pag nasanay ka na ng sumasahod tapos bigla kang babalik sa pagiging estudyante. Tanggapin na nating lahat na pag estudyante, walang pera. Sabi ko naman, maghahanap ako ng part time job. Edi ganun din daw, nagtatrabaho din ako. Eh sabi ko naman, part time nga lang eh. Pero ayun nga, malaki ang chance na mawawalang ako ng pera. Yung aasa na naman ako kay ina na pahingi hingi ng baon. Pahirapan pa kung may babayaran. Yung bayarin pa naman ng connection dito sa bahay hati hati kaming magpapamangkin. So ano nang ipangbabayad ko pag nag-aaral na lang ako? May nagtanong din sakin kung sure ba daw ba kong hindi ako tatamarin. Well, kasama naman sa pag-aaral yung tatamarin ka. Pero siguro sa kaso ko, choice ko naman ‘to eh. Ginusto ko ‘to, so paninindigan ko. Kung darating yung time na tamarin ako, siguro iisipin ko na lang yung mga bagay na sinacrifice ko para lang matapos ko yung pag-aaral ko.

Sa almost 3years kong pagtatrabaho sa salon na yun, aaminin ko sobrang naging masaya ako. Hindi rin ako nagigipit sa mga kinikita ko kasi nga sakin lang din naman napupunta yung mga sinesweldo ko (Pero syempre binibigyan ko rin nanay ko). Wala kong binabayarang ilaw, kuryente, tubig, upa ng bahay. Wala lahat. Yung mg sinahod ko sa tatlong taon na yun, napunta lahat sa luho ko. Kaya kung mag-aaral ako, aaminin kong hahanap hanapin ko yung mga time na kumikita ako. Kasama na rin syempre yung mga tunay at naging totoong kaibigan ko doon. Hindi ko na sila makakasama ulit pag pinili kong mag-aral. Hindi na ko madalas makakanood ng sine kasi nga walang pera. Hindi ko na makakain yung mga guston kong kainin. Hindi ko na mabibili yung mga gusto kong bilihin. Hindi ko na mapupuntahan yung mga gusto kong puntahan. Kasi wala na, wala ng pera.

Pero sa kabila naman ng lahat ng yun, future ko naman yung mababago. Lalo pa’t this time, may goal na ko. So may chance na mag-aaral akong mabuti. (Sana..) Wag lang talaga kong sasapian ng espirito ng katamaran. Kasi pag nangyari yun, di ko na alam kung san ako lulugar.

All in all, nangingibabaw sa isip ko yung magresign at mag-aral. Siguro bahala na lang kung anong isipin sakin nung mga nasa salon. Pagtsismisan nila ko hanggang gusto nila. Pero pag ako talaga umasenso, “Who you?” sila sakin.